...

Friday, February 12, 2010

oHmmmg... !!! what the hell...
kainis talaga kahapon.. Itong si classmate ko nawawala daw yung wallet niya. P.E class namin that time. urggggh.. ilang minuto din yung lumipas hindi mahanap yung C.P, so iyak siya. habang nakaupo kami lahat at tinatawag yung mga magpeperform yung isa ko naman classmate nagparinig. at obvious naman na ako yung pinaparinggan niya. may sinabi siya na isang word ''?''. so kaya niya sinabi yung word na iyon kasi siguro ako yung pinagiisipan niya ng masama at sa sarili niya ako yung pinagbibintangan niya na kumuha ng wallet.. gosh!! tsk..

Grabe.. ayoko pa naman ng pinagbibintangan ako.. kung ang batayan lang nila ay yung dating senaryong nangyari sa buhay ko.. grr.. na obvious naman na hindi pagnanakaw yung nangyari.. kung kayo man yung nasa kalagayan ko noon dun sa senaryo, kaya lang baliktarin natin ..nakaw yung intensyon niyo, bakit niyo naman nanakawin yung c.p na may tao sa likod niyo na makikita kayo at mapapansin once na kunin niyo yung c.p?.. tsakanez.. kung nakaw yung intensyon syempre hindi niyo naman hahayaan na may makakakita sa inyo di ba? at saka alam ko naman na may taong makakakita sa likod ko so bakit ko naman nanakawin yung c.p.. t*nga na lang gagawa nun o kaya taong walang isip, pero mayroon ba non?... kung noong kunin ko pa lang sa armchair yung c.p na stretch pa yung buong kamay ko eh alam ko na na makikita ako o nakikita ako noong nga nasa likod lalo pa kaya kung ibulsa ko iyon o ibag>>... grrr ammmpness talaga,, ..

balik tayo sa nawawalang wallet.. so ayun pinaringgan ako ng isa kong classmate maybe because ako yung pinagisipan niya ng masama na kumuha noong wallet.. at sa tingin ko hindi lang naman siya yung iba din at naramdaman ko iyoooon.. eh di iyak na yung nawawalan.. tapos nagsalita ako sabi ko, isa-isahin na lang yung bag at kapkapan na lang lahat.. so, tameme sila bigla.. tas, kami yung bigla tinawag na next performer.. habang nagpeperform kami si wallet bigla nakita.. naiwan yata noong may-ari sa kung saan, hindi ko kasi naintindihan masyado kasi napeperform kami.. basta si wallet naiwan at kinuha nila sa manang .. ewan ko.. basta yung wallet nahanap .. tapos!--


Eh di napahiya yung mga nag-iisip sakin ng masama at ako yung pinagbibintangang kumuha, pero sinasarili lang nila iyon.... grabe yung pakiramdam ko noon para akong nasa impyerno at isinisisi sa akin ang isang bagay kahit hindi naman ako gumawa ng masama at hindi gagawa ng ganoon.. tsk! Unfair!!!! nakakainis.. eh pano na lang kung hindi nakita yung wallet, paano kung iba yung nakakuha noong naiwan noong may-ari tapos hindi na naibalik.. so, sa akin nila ibibintang.. kapal mukz naman sila.. ano ako walang pera? hindi naman ako gipit para kumuha ng hindi ko pag-aari.. may baon naman ako at in fact hindi naman ako kinukulang at nakakapagtira pa nga ako eh.. at hindi ko na kailangan kumuha ng hindi akin kasi mayroon naman ako ng mga bagay na mayroon sila.. at wala akong record na ganoon ako.. at prinsipyo ko sa buhay na pag dumating yung araw na huwag naman sana, na halos mamatay ako sa gutom at kahirapan eh hinding-hindi ako magnanakaw.. huwag niyo naman masyado ibaba yung pagkatao ko.. hindi ako ganoon.. pag nawawalan nga ako hindi na lang ako nagsasalita minsan eh.. tsk! at saka , nawalan ako minsan, eh di may pinagisipan ako ng masama,, tas nalaman ko nagkamali pala ako.. alam niyo yung feeling ng ganoon na halos manliit ako at sobrang konsensya na pinagbibintangan yung isang tao na inosente naman pala,, nakakahiya yung ganoon di ba? kung mambibintang tayo dapat may ebidensya at sapat na basehan.. eh kung ibabase lang nila doon sa senaryong nagyari sa akin e isa iyong malaking kata*ng*h*n.. obvious naman na hindi nakaw yung ginawa ko at yung nagyari.. at saka noong time na nawala yung wallet eh halos practice lang yung inatupag ko at hindi nga man lang ako lumapit sa lugar nila at hindi man lang ako nakisalamuha sa kanila so bakit ako yung pinagisipang ng masama noong iba jan.. come on, gamitin naman ang utak no.. halos lagi nga ang layo-layo ko sa inyo at hindi ako nakikisalamuha sa inyo eh.. dapat kasi gamitin muna ang isip bago magisip ng masama sa kung kanino man. Kasi kayo lang ang mapahiya sa bandang huli.. at halimbawa,, nawalan sila o yung gamit nila eh naiwan o nalaglag lang sa kung saan, mambibintang na sila? eh di kawawa naman yung pinagisipan nila ng masama.. SO UNFAIR!! naalala ko dati noong hindi pa ako college, may nawalan sa amin eh uwian na noon may nawalan ng gamit ang ginawa ng teacher ko eh bago kami pinalabas sa pinto kinapkapan muna kami isa-isa at tinignan di yung loob ng bag namin.. hindi ko lang alam kung nakita yung ganit kasi noon marami pang nasa loob ng room at ako nauna ng nakalabas na matapos ako makapkapan at makita yung loob ng bag ko, at dumiretso uwi na ko.. maganda nga iyong ganoon eh.. at least FAIR, kasi kawawa naman iyong tao na pinagiisipan ng masama tapos inosente naman pala siya.. eh di sira siya sa mga isip ng mga taong pinagbibintangan siya kahit hindi naman siya ang kumuha..tsk!


Masamang mambintang at mag-isip ng masama sa isang tao.. dalawang kasamaan na yung ginawa sa akin noong iba diyan.. una, pinagisipan ako ng masama sa senaryo kahit hindi naman pagnanakaw yung nagyari tapos pangalawa, pinagbintangan ako sa isang bagay dahil doon sa senaryo na obvious naman na hindi nakaw yung ginawa ko.. tsk! overrr ha... omg!


sana magsilbing aral yung nangyari.. at please gamitin ang utak at isip ha.. mag-observe.. lalo na sa kilos ko na halos di na gumalaw.. stroke?.. watda!

Saturday, January 16, 2010

Sa pagkakatanda ko yung unang post ko nung frame-up ay ganito yung ibang details: Kinuha ko yung c.p sa armchair, pagkakuha ko bigla sumindi yung ilaw. Masyado maunti yung details, dapat dinagdagan o inilahad ko na lahat kasi ang naisulat ko lang at pinatutukan sa inyo ay yung ilaw na nakapatay at bigla sumindi kaya natural lang na mag-iisip kayo ng masama. Malamang una papasok sa isip niyo na madilim na madilim sa room, wala kang makikitang kahit ano at noong bigla sumindi yung ilaw na huli ako.. nagkakamali kayo!

Sisimulan ko na ang pagdedetalye:

Sa loob nung room patay yung ibang ilaw pero bukas sa ibang parte, sa stage, kaya MAYLIWANAG. Nakaayos yung mga upuan katulad ng ayos sa normal na classroom. Yung operator nasa pinakalikuran sa bandang kaliwa. Hindi switch ang gamit niya kaya kontrolado niya lahat nung ilaw sa room. Si lyka nasa baba nung upuan kung saan nakalagay yung c.p. Hindi siya nakatalikod sa upuan na iyon nakatagilid siya pa-kaliwa at ako nasa katabing upuan niya sa kaliwa. Yung linya nung upuan ko ay pangalawa sa pinakahuling linya nung mga upuan, tapos doon sa pinakahuling linya ng mga upuan na nasa likod ko, may 3 akong kaklase na nakaupo( sa likudan ko). Lahat nung armchair syempre nasa kanan. So, para maabot ko yung c.p kailangan nakaunat yung buo kong kamay. Pag-angat ko pa lang nung C.P nung kukunin ko na bigla sumindi yung ibang ilaw sa ibang parte nung room.


*Hindi madilim noon kunin ko yung c.p. Nakikita pa rin ang kilos ng bawat isa sa amin. Kasalukuyang nag-aayos at nag-hahanda yung mga classmate ko para sa practice. Hindi pa nagsisimula noon ang practice. Si lyka, nagsusuot at nagsisintas ng sapatos sa baba nung upuan niya, sa sahig. Nagkakamali kayo kung iniisip niyo na madilim na madilim sa loob nung room that time. Makakapagsintas at makakapagsuot ba ng sapatos si lyka kung madilim na madilim, hindi ba hindi? Hindi madilim na madilim kaya nga naisintas at naisuot at nakita ko yung c.p sa armchair eh, at.. kung sino yung operator at yung 3 kaklase kong nakaupo sa likod ko. Makikita pa rin ang kilos ng bawat isa hindi naman kasi lahat nung ilaw nakapatay.

* Yung operator nasa pinakalikod kaya tanaw niya kami at kilos ng bawat isa. At hindi po switch ang gamit niya kaya kontrolado niya lahat nung ilaw sa room. Dahil wala ako masama intensyon sa c.p alam kong sadya iyon. Syempre hindi naman talaga pagnanakaw yung nangyari at yung ginawa ko kaya ano iisipin ko e di sinadya niya yung pagsindi nung ilaw. Malaking porsyento na sadya kasi sakto na sakto pag-angat ko sa c.p sa armchair bigla sumindi yung ''ibang ilaw''. Sinindi ng walang dahilan at pagkatapos ng ilang segundo pinatay ulit.

Kung ako nasa kalagayan nung operator hindi ko isisindi yung ilaw titignan ko kung ano gagawin ni iya doon sa c.p kung ibubulsa ba niya ito o ilalagay sa bag niya o baka pindot-pindutin lang niya kasi kung isisisndi ko iyong ilaw baka mamaya wala naman siya masamang motibo eh masiraan ko pa siya konsensiya ko pa iyon sa bandang huli. Pero kung plano ko naman siya siraan isisindi ko iyong ilaw. Kahit masama o wala siya masamang intensyon wala na siya lusot kapag isinindi ko iyon. Except na lang sa mga tao na nakakakilala sa kanya at mga taong malalim ang pang-unawa at pag-obserba malamang baka magtaka na masama ang intensyon niya. Kung ako yung operator sasarilin ko iyon eh titignan ko kung ano gagawin sa c.p pero kung gusto ko masiraan siya sa iba isisindi ko iyon para masira siya at mapansin ng iba yung nangyari.

* Wala akong record na blah blah ako. Ever since wala ako naging issue na magnanakaw ako kahit ipagtanong niyo pa sa mga kaibigan ko, eskwelahan at kamag-aral noong high school at elementary. Hanggang dumating ako sa kolehiyo na hindi ko inasahang masisiraan ako.

*Pagsindi nung ilaw pag-angat ko sa c.p sa armchair, hindi ako nataranta at hindi ako nagulat. Ang tangi ko lang naramdaman ay galit at inis kasi parang medyo nasiraan ako. Hindi ba kung nakaw man ang intensyon ng isang tao doon sa c.p baka magulat pa ito at mataranta kapag bigla sinindi yung ''ibang'' ilaw? pero ako hindi kasi hindi naman nakaw yung intensyon ko kaya nga hindi ako nagulat, nataranta at natakot eh. Noong bigla isinindi yung ilaw tuloy-tuloy ko pa rin kinuha at pinindot-pindot katulad lang ng normal kong gagawin.

*Kung ang tututukan niyo lang ay yung ilaw na nakapatay at bigla sumindi nung pag-angat ko sa c.p sa armchair, masama talaga iisipin niyo kung iyon lang ang sesentruhin ng pananaw niyo. Pero kapag pinagaralan niyo yung detalye noong patay pa lang yung 'IBANG' ilaw, doon pa lang magdududa na kayong nakaw yung intensyon. Una, sa paraan pa lang nung pagkuha nung C.P halata na na hindi nakaw yung intensyon. Pangalawa, kung nakaw yung intensyon, bakit kinuha yung c.p na nakabukas pa yung ibang ilaw at bakit hindi hinintay na patayin lahat nung ilaw bago kunin yung c.p. Kinuha siya na nakabukas pa yung ibang ilaw samantalang pwede naman kunin kapag pinatay na lahat nung ilaw para sure na wala makakakita at papatayin naman yung lahat nung ilaw once na magsimula yung practice sa play. Pero kinuha yung c.p na bukas pa rin yung ibang ilaw. Pangatlo, kung nakaw yung intensyon, bakit kinuha yung c.p na may nakakakita at alam ko na may makakakita sa akin? May mga tao sa likod ko, natural lang na kitang-kita nila ako at ang kilos o galaw ko kasi nasa likuran ko lang sila eh. kahit patay yung ibang ilaw eh kita pa rin lahat nung kilos at galaw nung mga tao sa room kasi may ibang ilaw na nakabukas kaya mayliwanag, kaya kitang-kita pa rin ako lalo na yung mga nasa likuran ko at pati yung operator na nasa pinakalikod din at tanaw lahat. Mayroon bang stupidong magnanakaw na kukunin yung c.p na may tao sa paligid niya na pwedeng maramdaman at nakikita na kuknin niya yung c.p lalo na noong mga nasa likod.? Doon pa lang obvious na na hindi nakaw yung intensyon eh. Kinuha yung c.p na may tao sa likod at may nakakakita sa akin at aware ako nung kinuha ko yung c.p na nakikita at makikita nila ako, kaya hindi pagnanakaw yung nangyari, kaya nagkakamali kayo sa masamang iniisip niyo sa akin at lalong hindi ako nahuli. Ibig ba nung ibang sabihin na noong binuksan yung ibang ilaw ay nahuli ako na kinikuha ko yung c.p? patay pa lang po ang ibang ''ilaw ay kinuha ko na siya na may nakakakita sa akin at alam ko na nakikita nila ako. Kaya hindi pagnanakaw yung ginawa ko.. Halatang-halata naman.


*Kung nakaw yung intensyon ko sa c.p bakit ko siya isinulat at ipinagsabi kung kani-kanino? Hindi ba dapat kung may masama talaga ako intensyon kung kayo man din eh mananahimik na lang kayo at babalutin ng kakahiyan? Pero kung wala kayo masama intensyon, hindi kayo matatakot na sabihin, ikalat o isulat ito dahil in the first place wala naman kayo masama intensyon, kaya akala ko ok lang na i-share ko sa iba yung nangyari kasi nagsasabi naman ako ng totoo eh at dahil wala ako duda sa sarili ko at alam ko na totoo yung sinasabi ko kaya hindi ko naisip na pag-iisipan ako nung ibang tao ng masama. Hindi ako natakot na isulat o sabihin iyon at ikalat sa lahat kasi nagsasabi ako ng totoo. Kung kayo, masama intensyon niyo hindi niyo ibabahagi sa iba iyon, mananahimik na lang kayo dahil maiisip niyo na baka pagdudahan lang kayo kapag ipinagsabi niyo kasi masama talaga intensyon niyo, pero kung hindi naman masama yung motibo niyo, katulad ko, hindi niyo maiisip na baka hindi kayo paniwalaan kasi nagsasabi kayo ng totoo na wala kayo intensyong masama. Kaya ipagkalat niyo man eh hindi kayao matatakot at confident pa kayo kasi wala naman talaga kayo masama intensyon eh, kaya ganoon yung nangyari sa akin. Hindi ko naisip na pagdududahan ako at masisira.




........................Bakit ko naman hinayaan na may nakakakita sa akin noong kinuha ko yung c.p sa armchair, bakit halatang-halata pa yung paraan ko sa pagkuha sa c.p. at bakit hinayaan ko na bukas pa yung ibang ilaw at may liwanag pa rin noong kinuha ko yung c.p kung nakaw yung intensyon ko? Commonsense!! Kahit san banda niyo man tignan halatang-halata naman na hindi nakaw yung motibo. Hindi ako nahuli kasi kinuha ko siya na may tao sa paligid ko lalo na sa likuran ko. Kinuha ko siya na may nakakakita sa akin at alam kong may makakakita sa akin. Kinuha ko ng hindi patago o palihim, kinuha ko na bou at unat pa yung buong kanang kamay ko na maaaring makita o talagang makikita at alam kong makikita ako nung mga nasa likod ko. Kinuha ko na may liwanag at may iba pang ilaw na nakasindi sa room. Kung nakaw yung motibo ko pwede ko naman hintayin na patayin lahat nung ilaw. MAKE SENSE? Hindi ako nahuli, hindi pagnanakaw yung ginawa ko at yung pangyayari. Kaya tayo binigyan ng diyos ng isip para magamit at gamitin kapag naging komplikado na ang mga bagay-bagay, kaya sana gamitin natin ang utak at hindi nagpapadalos-dalos sa panghuhusga. Binigyan din tayo ng pandama para maramdaman ang nararamdaman ng bawat isa. Kaya sana gamitin natin!....


Hindi ko expected na nasira na nga ako may mga tao pa rin na sinisira ako hanggang ngayon. Sa bagay matakot nga dapat sa buhay huwag sa patay. Kung yung ibang tao nga pumapatay manira pa kaya ng kapwa.

Pagkatapos ko i-post ito kung mayroon pa ring mga taong huhusgahan ako sa nangyari na halata namang wala akong masama motibo, heto malamang dahilan nila:

1. Galit sila sa akin. Siguro naparinggan sila or what kaya nainis sila sa akin at gusto nila ngayon na tuluyan na akong masiraan.
2. Ayaw nila maniwala. Kung malaman man nila at napagnilay-nilay na hindi talaga masama intensyon ko, kung ayaw lang nila maniwala hindi sila maniniwala.
3. Gusto nila ako masira. Kasi galit o kaya naman ....... alam na nila kung ano iyon, ano pa ba dahilan bakit sinisira ang isang tao kasi ............. (?)


simpleng logic lang naman ang lahat.. sensya na sa mga mali minadali ko kasi.. next time ko na aayusin.

Monday, December 7, 2009

BAD3P......grrrr nkakainis tlga yung mga ''yung MGA ha'' taong sineset-up ako!!! bd3p ngkukunwari pang nawawalan sila everytime na malapit ako o nasa tabi-tabi ko lang sila ... kainis na kayo ha.. tamang panira din kayo!! katulad na lang nitong isang to: Nung nagrereview ako sa labas ng room dumating yung prof ko sabi mgready dw kmi sa quiz so bumili ako ng something kasi naubos na yung something ko na yun so pmsok ako sa room at knha ko yung wallet ko, wala ako katabi nun sa upuan ko tapos pagkakuha ko ng wallet ko sa bag bumaba na ako para bumili ng P2 na something na yun tapos bumalik ako sa may hagdan kung saan ako nag-review hawak ko yung reviewer ko at yung something na binili ko.. bigla dumating yung prof, kaya pumasok na ko sa room, pagpasok ko sa room may katabi na ko tas nkta nya yung something(pangalanan ntng ''P'' yung something) na hawak ko na kabibili ko lang, nanghingi sya skn.. bngyan ko siya sabay umupo na ko sa upuan ko katabi niya.. bgla sya nag-react noong paghingi niya sa akin ng ''P''HINALUNGKAT NIYA YUNG BAG niya sabay sabi niya nawawala dw yung something (''P'') niya . Ang pinagtataka ko lang bakit siya nanghingi sa akin ng something kung totoo na nawawala yung something niya.. I mean kung mayroon siya talaga nun hahanapin niya muna sa bag niya saka siya mag-rereact na nawawala at saka lang siya manghihingi sa akin.. pero siya pagdating ko sa loob ng room hindi pa ako nakakaupo sa upuan ko nakita na niya yung something na hawak ko tapos bgla siya nanghingi. so ibig sabihin wala namn tlga siya noong something na iyon... kung mayroon siya talaga noon hahanapin niya muna sa bag niya at kapag nalaman niya na wala doon saka lang siya manghihingi sa akin.. eh kaso pagdating ko pa lang sa loob ng room hindi pa ako nakakaupo sa upuan ko katabi niya ay naghingi na siya sa akin.. kaya siya naghingi kasi wala naman siya tlaga noon, kasi kung mayroon hindi muna siya manghihingi sa akin. Eto lang yung na observe ko sa knya, ngtataka lang ako.. pero i don't care kng mayroon ka tlga noon o nagknwari ka lang.. bsta ako ngtaka lang sa kinilos mo..


SEt-up nmn gngwa ng karamihan sa akin (oo marami sila hnd lang sa isng class kung saan-san pa).. Gusto niyo tlaga ako siraan no.. ? kya mgnda nito lumayo layo muna sa ibng tao eh,,.. kng pwede nga lang sana mag-isa.. hbang nilalapit mo yung sarili mo sa iba binibigyan mo lang sila ng pagkakataong siraan at pabagsakin ka.. Ang hirap na magtiwala lalo na sa ibang kaibigan akala mo kaibigan mo sila pero isa din sila sa mga tao na gustong siraan ka. Hindi nga talaga kailangan ng maraming kaibigan ang kailangan ay mga totoong kaibigan. Ang hirap pa maghanap ng totoong kaibigan kaya dapat tinetreasure sila. Ang daming nagkukunwari, nagpapanggap ... nakakainis na, yan na yung bago niyonG way para manira no? kya kailangan dumistansya... ( Mga tatamaan sapul... MGA ha MGA)kaSI alam niyo na ako ang pag-iisipan ng masama kayo nagpapanggap na lang kayo para lalo ako mcra? kasi alam niyo na hnd ako ggwa ng masama at wala mawawala sa inyo kaya magpapanggap na lang kayo? kasi hnd niyo ako tuluyan masisiraan kaya ang way na lang na gngwa niyo ay ang magkunwari lalo na kpg mlapit ako sa inyo? ....

Labels: